Linggo, Pebrero 20, 2011

Ang Talambuhay ni Lovely C. Arrogancia


Ito yung larawan ko nung nasa classroom ako

Ako si Lovely C Arrogancia ipinanganak noong jan 31 1994. inanak ako sa southern  samar. doon nabuo ang pamilya namin mag anak.anak ako nina Gloria Cairo Arrogancia at Rolando Supitran Arrogancia. sabi sa akin ng aking ina pinag lihi daw ako sa duhat. kaya may balat ako sa kanang bahagi ng aking paa. ito ay bilog. apat na taon ako ng gumanap akong angel sa aming simbahan. kaso hindi nakuhanan ng litrato kasi nalimutan ng aking ina. lumipas pa ang mga ilang araw lalong lumalapit ang aking kaarawan.noong araw na yon napakalungkot ko kasi hindi man lang ako pinaghanda ng ng magulang ko ang masaklap pa noon parang ordinaryong araw lang..tapos noong mag kakasama kami ng aking mga kaibigan sa room namin ng kinder ay bigla sinubuan  ako ng buhangin nasuka ako.pag katapos noon ay umuwi ako sa amin para  uminom ng tubig ang nainom ko pa ay tubig na may langis  tuloy napagalitan ako ng aking ina.

Ang daming ng yari sa buhay ko na kamlaasan haggang pag laki na ata ito, tapos ng mag away ang lola at ang aking ina na pag pasyahan ng aking ama na umuwi na lang kami dito sa laguna at doon ko na alng daw ipagpapatuloy ang aking pag aaral, at nalanman kong mas marami pala akong kamag anak at pinsan na nakatira dito sa laguna.

Ininrol ako ng aking ina sa paaralang elementarya ng platon grade 1 tapos doon ko nakilala ang mga kaibigan ko, ang pangalan ng aking guro ay Maa'm Sarah.
 noong ako grade 2 naman ay nakilala si aira na naing best friend ko. ng masunog  yung lugar na malapit sa paaralan namin na tinatawag na maisan ay don muna nanirahan nag kataon na mang baranggay tanod ang aking ama at sila ang inatasang mag bantay doon.kaya medyo nasira ang pag aaral namin.

oong ako naman ay grade 3 pina kalbo ako ng aking ina dahil marami daw ako kuto kaya medyo nahiya kaya ang tahimik sa aming sild aralan.
Noong ako naman ay grade 4 natuto ako ng mayos na pag kanta dahil mahilaig mag pakanta ang guro namin ang pangalan nya ay Maa'm Santiangco ang bait nya samin  tapos lahat pa kami ay pinasa nya.

Noong naman ako ay mag grade 5 ang naging teacher ko ay si Maa'm Noche ang bait din ni maa'm kasi nag bibigay sya ng damit at medyas na magagamit pa tapos ako pa ang paborito nya   istudyante,naging kaiskwela ko si Francis na naging crush ko pa ang dami kong naging kaibigan lalo na si Erika ang bait nya palabigay sya.
Nang mag grade 6 naman ako ay mag kakaklase parin kami mas dumami pa ang mga kaibigan ko.tanda ko noon umiyak ako kasi sabi ng aking guru na si Maa'm Miranda ay hindi daw ako gagraduate hanggang hindi pa naayos yung aking birth certificate kaya umuwi ako sa amin  na umiiyak napagalitan pa ako ng ina bakit daw ako umiiyak yun sinabi ko yung ng yari pag katapos isinama ko ang aking ina sa aming paaralan kasi pinatatawag ng prinsipal namin gustong makausap yun sabi gagraduate na daw ako kaya ang saya ay ko na ng papalapit na ang graduation namin nag kaaway kami ni Francis  pero lahat ng yun ay nakalimutan na sa pagkat graduation na namin nung araw na yun nag si iyakan kami jasi mag kakahiwalay na kami,pag katapos ng graduation nag gala kaming lahat kasi yun na ang huling pag kikita namin!!

Ito yung larawan namin nung kami ay nasa grandstand
larawan namin nung kami ay nag swimming sa boying
 High school life na.1st year noon akpo hindi ko pa alam kung sino at saan ang class room ko doon ay nag paturo ako kay aira na hanapin ang class room ko nag kataon namang sabay kami ni jowin na pumasok napag kamalan pa kaming mag pinsan hehe!! nakilala ko si Crisna naging kaibigan ko sya. nang mag 2nd year na ako naging class mate ko si Ruby na dating 1-G na aging kaibigan ko sya tapos si Maricris naging kaibigan ko rin nabuo ang samahan namin class mate ko rin si che.
Nang mag 3rd year ako manag kahiwalay kami ni Ruby kasi bumaba ang section nya, naging barkada ko sina landicho,garay,de guzman at pasco.nag karoon kami ng swimming nalagyan pa nga ng tubig ang tenga ko kaya napagalitan ako ng aking ina  kaya hindi na ako pinapayagan na mag swimming.nag mag js ako hindi ako masaya kasi kasabayan kong mag jjs ang kapatid kong lalaki kaya mas sya ang pinaghandaan ng nanay ko pero okey basta nakasali ako.nnang mag mamahal na araw ay namatay ang lola dinanmdam ko kasi mahal ko yun tapos mawawala na lang ng basta napakasakit noon hindi ko  matanggap. lumipas pa ang mga ilang buwan nag karoon na naman ng trahedya nasaksak ang tatay ko ng asawa ng aking tita kaya galit kami sa pamilya nya ang hayop nya pasalamat sya hindi namatay ang tatay ko kung hindi mapapatay ko rin  dumaan ang bagong taon naging masaya naman kami.
nang ako naman ay 4rt year na nakilala ko  si rodney thina naging kaibigan ko sila nakilala ko rin si viboy roberto naging class mate ko sila mag papasko noon dec 16 nag ka roon kami ng swimming ang saya namin kaso si pasco nilagnat kasi hindi kinaya ang lamig sa boying pero sabi nya okey lang daw sya ng mag si uwian na kami nag lakad na lang kami nina thina kasi wala na kaming  pera ang saya saya namin nang mag js ako ang ganda ko kasi pinaghandaan na ng nanay ko hay salamat naman taos nun ay nakasayaw ko pa si patrick na crush ko ang cute nya sabi ko nga sana hindi na matapos a itong gabing to nag picture pa kami nag saya talaga..ng kami ay pumasok na nag kwentuhan kami tungkol sa ng yari sa aming swimming nag katawanan kami sana meron pa uli na sunod para masaya kami ulit.
larawan naming mag barkada nung kami ay ng swimming
At sa mang babasa maraming salat sa inyo... MARAMING SALAMAT PO!!   
          

Ang talambuhay ni JohnPaul M. Balyoyo

ako ito
Ako po si John Paul M. Balyoyo.ipinanganak noong Sept.10.1995.naka tira sa San Fransisco Calihan.
dalawa kaming magkapatid.Ang pangalan ng aking kapatid ay Justine.Ang pangalan naman ng aking mga magulang ay Erlina Balyoyo at Ronaldo Balyoyo.
Masaya ako sa piling ng aking mga magulang at mga kaanak.
Nagpapasalamat ako dahil ipinanganak ako ng walang sakit o diperensya.At ipinanganak ako ng masayahin at mabait.

me and my cousin
Noong ikatlong kaarawan ko ay masaya ako dahil madami ang nag regalo ng mga laruan.Masaya ang aming kain dahil my mga dumalo na mga kalaro ko at mga kamaganak.At noong nag elementarya naman ako aymadami akong naging kabarkada.tanda ko pa nung grade5 kami ay na blatter kami dahil napagbintangan kami na nag paltok ng bato sa bubong ng katabi ng aming eskwelahan.gada pasko ang saya talaga mag mamano sa nining at ninong lolat lolo shempre mamamasko nadin dami nag bibigay ng pera ang saya pag kasama mga pinsan ko laging kulitan tawanan kwentuhan a asaran pag mag kakasama kami hindi ako nakakaramdam ng inep may  tampohan  pero nawawaladin naman kagad ganon talaga pag makukulit.
this is me
pinaka mnaman eh mahal namin ang isat isa.

bagong taon kahit nakaka puyat sa pag hihintay ng 12am para makita lang mga paputok sulit namankahit puyat dami pag kain sa mesa may mga prutas pa pinaka masaya mag kakasama kaming mag anak sabay-sabay nag hahapunan may mga kwentuhan.

unang baitang ako panibagong mga kakilala mga barkada dami pinapasulat ng guro tamad panaman ako nag sulat kaya pag nag papasulat ang guro hindi ako nag susulatlagi din ako napapagalitan si mama lagi pinag susulat ko.Ng nag high school naman ako ay mas dumami ang aking kabarkada at kaibigan.noong first year ako ay bumagsak ako sa engish.kaya ako ay nag summer class ng engish.At ng second year ao ay bumagsak pa rin ako sa english kaya nag summer ulit ako sa San Pablo Colleges.pagkatapos non nag igi na akop ng pag aaral pumasa ako noong third year ako.Ngayong 4th year ay pag iigihin kona ang aking pagaaral.para makapagtapos ako ng pag-aaral ng highschool.ito ang picture ko ngayung 4th year ng kumain kami sa labas kasama ang aking pamilya.


me with my barkada 
Pagdating ko sa paaral, normal naman ang lahat para sa akin. Dumating ang mga guro na nagtuturo sa amin hanggang sa magtanghalian na, kumain kami ng aking mga kaibigan sa canteen at pagkatapos nun pumunta kaming videokehan para kumanta at magkatuwaan, ngunit hindi pa man ako nakakanta  ay biglang  dumating si Niko at sinabing may naghahanap daw sakin, at ang sabi niya ay ang aking ate daw, ngunit nagtaka ako sapagkat hindi naman alam ni ate ang paaralan ko at may trabaho siya ng araw na iyon, ngunit gayun pa man pumunta pa rin ako sa paaralan namin at tiningnan kung si ate nga. Pagdating sa paaralan ay si Ninang Mara pala, sinusundo niya ako, noong una ay ayaw pa niyang sabihin ang dahilan ngunit dahil sa mapilit ako at makulit, sinabi niyang ang aking nanay daw ay wala na ngunit saan siya pumunta ? tanong ko sa ninang ko, buong akala ko'y pumunta lang sa Maynila sa aming mga kaibigan doon ngunit nang sabihin niyang wala na si nanay mo, patay na, inatake sa puso. doon na ako simulang kabahan at mapaiyak hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mga oras na iyon, dali dali kaming umuwi at habang nasa dyip ako ay panay ang aking dasal, na sana'y hindi totoong patay na si nanay, na sana'y maayos lang siya.

my js from
Ngayon ako ay 4th year na ay masaya ay din ako dahil nakasama ako sa filtrip at kasama ang aking mga kaklase. nagputa kami sa mall of asia at kami ay namasyal at nagkayayaang bumili ng tokoyaki bumili ako ng tatlong piraso at tinikman ko kung masarap ngunit hindi ako nasarapan at binigay ko ito sa kaklase ko.   
Noong kami ay nagjs ay naging masaya ako dahil naisayaw ko yong nagugustuhan ko.
Ito ang larawan ko noong nag Js kami.kasama ang aking mga classmates at ka barkada.at ang mga iba ko poang mga kaklase.dito nagsaya kami at   nagsayawan.nagpicture taking kaming mga magkakabarkada at pagkatapos ay kumain kami sa lugaw queen at naggalagala.

Ang Talambuhay ni Rodney E. Alcantara


ito ang larawan ng js ko
            Ako si Rodney E. Alcantara, taga San Mateo San Pablo City, magulang ko sina Dolores at Romeo Alcantara. Kapatid ko naman sina Roderick, Rhina, Ramil at Rodel. Isang taong gulang pa lamang ako nang mamatay ang aking ama kaya't lumaki ako at nagkaisip ng walang nakagisnang ama kung kaya't may kaunti akong nadaramang pagkainggit sa ibang kabataan ng may ama. Ngunit ngayon pa man maswerte pa rin ako sapagkat may isang nagmamahal at tumatayong ama at ina sa aming magkakapatid.

            Bago pa lamang akong pumasok sa elementarya ay nag-asawa na agad ang panganay inaming kapatid na inaasahan ng aking ina na tutulong at magtataguyod din samin kaya't napilitan ang aking ina na patirahin si ate sa Maynila sa kaniyang matatalik na kaibigan at doon mag-aral. Dumating naman ang araw na iyon na nakatapos si ate ng college at makapagtrabaho. Kahit papano ay naging maayos ang buhay namin noon. Hanggang sa magpasya na ang ate ko na umuwi na at dito magtrabaho sa Laguna.

            Sa awa naman ng Diyos ay agad si ate nakahanap ng trabaho. Doon ay nakitaan agad si ate ng sipag at tiyaga kung kaya't naging isa siyang line leader, gayun pa man may mga panahon pa rin na kinukulang kami at nagigipit din. Kaya't may mga panahong kinakailangan din ng aking ina ang mangutang sa iba para lamang may maipambili kami ng pagkain sa pang-araw araw. Nakita ko ng mga panahong iyon na nahihirapan at nasasaktan din ang aking ina hindi man niya sabihin pero nararamdaman ko. Meron kasing mga taong kamag-anak at kadugo mo na pero pinagdadamutan at hinahamak pa ang aking ina. Nang mga panahong iyon nakikita ko ang nanay kong umiiyak, gusto ko siyang damayan pero hindi ko alam kung paano sapagkat isa lamang akong bata na hindi pa alam kung papaano makikisabak sa problemang aming dinaranas.

             Minsan nga naikwento ng ilang tao sa amin na ang nanay ko sinabihan ng pinsan kong "Mama, nandito si tiya mangungutang na naman ng bigas". Masakit para sa aking ina na ultimong pamangkin niya at pinsan ko pa na sasabihan siya ng ganon. Masakit para sa nanay ko pati pamangkin niya ay pagdadamutan siya at parang pupunta lang sa kanila para mangutang. Nasasaktan ako na nasasaktan ang damdamin ng aking ina ngunit wala akong magawa.

             Pero ganun pa man tuloy pa rin ang buhay, may mga panahon naman na masaya kami. Tuwing linggo nasimba kami ni nanay,ni ate at ako. Pagkatapos nun pupunta kaming jollibee upang doon kumain, isang simpleng araw pero puno ng kasiyahan at galak ang aking damdamin. Kahit paano nawawala ang kalungkutang nadarama ng aking ina. Sa problema at pangambang pag-uwi sa bahay at haharapin na naman ang problema.

             Dumating na ang araw ng aking pinakahihintay,ang makagraduate ng elementarya, hindi man iparamdam ng aking ina na masaya siya sa akin pero alam ko sa sarili ko na proud siya na nkatapos na ako ng elementarya.

             Nang maghayskul ako ay marami akong nakasalamuhang tao, marami akong naging kaibigan at marami din namang nagagalit dahil dala lang siguro ng pagkamurang kaisipan ko pa ng mga panahong iyon. Naging masaya ang unang taon ko sa hayskul dahil punong-puno ito ng kulay at hindi malilimutang pangyayari. Nandon ang magkacrush ako, kiligin at mainlove kahit alam kong hindi pa naman dapat.

             Nang magsekondarya ako ay laking gulat ko dahil naging 2-A ako, hindi ko alam kung bakit at papaano nangyari iyon,hindi naman ako matalino para maging 2-A pero ganun pa man naging masaya pa din ako dahil nakasama ko ang mga dati kong kaklase nung elementarya pa lang kami. Higit sa lahat naging kaklase ko rin si Niko, ang aking crush simula nung firstyear kami. Oo si nico nga! Nang mga panahong iyon at ngayon ay may nililihim na ko sa ibang yao at maging sa aking pamilya na ako ay isang may pusong babae. gayun pa man masaya pa rin ako nanaging ganito ako kesa naging tunay ngang lalaki pero wala namang silbi at pabigat sa pamilya. noong mga panahon kasing iyon ay masipag ako sa gawaing bahay kahit papaano naglilinis ako ng aming tahanan, naghuhugas ng pinggan at naglalaba ng aking uniporme sa aking paaralan.

             Isang kinaumagahan na ako ay papasok na, ginising ko ang aking nanay upang magpaalam na,gumising siya ngunit hindi ko mawari at may pagtataka akong naramdaman sapagkat hindi niya minulat ang kaniyang mga mata. Gayun pa man nagpaalam pa rin ako sa aking ina at humalik.

             Pagdating ko sa paaral, normal naman ang lahat para sa akin. Dumating ang mga guro na nagtuturo sa amin hanggang sa magtanghalian na, kumain kami ng aking mga kaibigan sa canteen at pagkatapos nun pumunta kaming videokehan para kumanta at magkatuwaan, ngunit hindi pa man ako nakakanta  ay biglang  dumating si Niko at sinabing may naghahanap daw sakin, at ang sabi niya ay ang aking ate daw, ngunit nagtaka ako sapagkat hindi naman alam ni ate ang paaralan ko at may trabaho siya ng araw na iyon, ngunit gayun pa man pumunta pa rin ako sa paaralan namin at tiningnan kung si ate nga. Pagdating sa paaralan ay si Ninang Mara pala, sinusundo niya ako, noong una ay ayaw pa niyang sabihin ang dahilan ngunit dahil sa mapilit ako at makulit, sinabi niyang ang aking nanay daw ay wala na ngunit saan siya pumunta ? tanong ko sa ninang ko, buong akala ko'y pumunta lang sa Maynila sa aming mga kaibigan doon ngunit nang sabihin niyang wala na si nanay mo, patay na, inatake sa puso. doon na ako simulang kabahan at mapaiyak hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mga oras na iyon, dali dali kaming umuwi at habang nasa dyip ako ay panay ang aking dasal, na sana'y hindi totoong patay na si nanay, na sana'y maayos lang siya.

              Pagdating ko sa bahay ay agad akong niyakap ng aking lola at umiyak siya ng husto, ngunit hindi pa man ako siguradong wala na ang nanay ko ay umiyak na rin ako ng umiyak, at pagdating ng hapon dumating na si ate at umiyak din ng malaman na patay na si nanay. Dumating na ang aking kinatatakutan, wala na, wala na talaga ang aking ina. Habang pinapasok sa bahay namin ang aking ina na nasa loob ng kabaong ay siya ring pagtulo ng aking luha, pagdaramdam at pagkadarama ng sobrang kalungkutan at sobrang sama ng loob dahil sa dinami dami ng taong masama sa mundo ay ang aking ina pa ang agad na nawala at natatanging ina na naging ama na rin para sa sakin simula ng mamatay ang aking ama.

            Matapos mailibing ang aking ina ay siya ring pagkawala na ng aking tiwala sa sarili,pagkawala ng aking naging inspirasyon para makatapos ng pag-aaral at makamit ang aking tagumpay at pangarap sa buhay. gayun pa man kailangan ko pa ring lakasan ang aking kalooban dahil wala ng magtatanggol at gagabay sa aking kamuwangan.nanatili pa rin akong matatag kahit na nawala naang aking ina. Masakit man para sa akin pero kailangan kung  ipagpatuloy ang wala ko ng saysay na buhay.
 
            Simula rin ng mawala ang nanay ko ay halos lahat ng gawain sa bahay ay sa akin na rin napunta, sapagkat ng mga panahong iyon ay may asawa na si kuya Roderick at kuya Ramil. Samantalang si kuya Rodel naman ay kasalikuyang nasa Maynila at si ate naman ang nagtatrabaho at kasama ko lang sa bahay. Sa tuwing papasok si ate ay kailangan ko siyang isakay sa dyip tulad ng ginagawa ng aking nanay nung nabubuhay pa siya. Ako rin ang naglalaba at namamalantsa ng uniporme ni ate at ng iba pa naming damit. Ako rin ang nagluluto at naghahain, pati na rin ang paghuhgas ng pinggan.

            Sakin man lahat ang gawain sa bahay ay nalagpasan ko pa rin ang pagsubok, at ang nakatapos ng sekondarya. Ngunit ng dumating ako sa ikatlong baitang ng hayskul hindi ko akalain sa aking sarili na mapapagod din pala ako sa pag-aaral. Natuto akong magcutting classes,lumiban sa paaralan at higit sa lahat na isinumpa kong hindi ko kailan man gagawin ang pag-inom ng alak. Nang mga panahong iyon hindi na naging importante sa akin ang mag-aral dahil pakiramdam ko'y wala ng saysay pa. Wala na ang aking ina na bibigyan ko ng magandang buhay pag nakatapos at makapagtrabaho.

           Nang malaman ni ate yun, ay wala siyang naging reaksyon ngunit naging third year ulet ako dahil lahat ng subject ko ay failed at doon nga ay nagtransfer ako sa Dizon High, ngunit hindi pa rin pala ako magtitino dahil  napabarkada pa rin ako, imbis na mag-aral ako at magtino ay panay cutting, paggagala at pag-iinom pa rin ang aking inatupag.

             Kaya't ang nangyari ay bumagsak na naman ako at failed sa lahat ng subject kaya't nagdesisyon akong tumigil na. Hindi mab sabihin ni ate pero alam kong masama ang loob niya sa ginawa kong pagkakamali.

             Nang mapatigil ako at lagi lamang nasa bahay ay napag-isip isip kong mahirap palang maging tambay lamang. Sa tuing may nakikita akong mga estudyante ay may inggit akong nadarama at may halong panghihinayang kaya't ng mga panahong iyon hindi man ako siguradong bibigyan pa ng pagkakataon, sinabi ko pa rin sa aking ate na papasok ulit ako at muling mag-aaral. Hindi ako nabigo, pinag-aral pa rin niya ako at sinamahan sa dizon high upang mag-enrol. Pagkatapos ng dalawang taon na tumigil ako ay naging eksayted muli akong mag-aral at makakilala ng bagong mga kaibigan.


ito ang larawan ng nagpikturan kaming mabarkada
            Nang ako ay makapag- aral ulit bilang isang third year ay nagsikap ako ng husto at nangakong anuman ang mangyari makakatapos na ako sa third year. At sa wakas, hindi ako nabigo. Nalampasan ko ang third year na naging simula rin noon ng pagkakamali ko at pagkawala ng tiwala ko sa aking sarili. Ngayon ay Fourth year na ako na nangangakong anuman ang mangyari ay makakapagtapos  ng hayskul. Nawala man ang aking ina na dapat ay pag aalayan ko ng aking diploma, ngunit alam kong nandiyan pa rin siya sa aking tabi at nagbabantay sa bawat laban ko sa aking buhay. Nandiyan din ang aking ate at iba ko pang kapatid na pinagkukunan ko ng aking lakas at inspirasyong magtagumapay at makatapos sa pag-aaral. Nandiyan din ang mga pamangkin kong sina Jurish, Remuel, russel, Raprap, Jerick, Jessica at Joyce na balang araw ay mabibigyan ko rin ng inspirasyon at pag-asa sa buhay na ang kanilang tito man ay minsan ng nawalan ng pag-asa ay nanatili pa rin matatag at lumalaban sa hamon ng buhay.

           Minsan man akong naligaw ng landas ay balang araw ay magiging matagumpay pa rin ako. Sana sa aking simpleng kwento ay mabigyan ko kayo ng kaunting inspirasyon.

          Salamat po..

                                                                 
                                                                                                      Rodney Alcantara
                                                                                                                   4-J

Ang Talambuhay ni Roberto Rosales Jr.

Roberto Rosales Jr. a.k.a. Jhetz
Ipinanganak ako ng 1994 february 26 sa city hospital ako iniluwal ng aking ina.
Noong Baby pa ako
sabi ng aking ina napakahirap ko daw ipinaganak.

limang buwan ako lagi ako buhat ng ninang ko siya lagi nag aalaga sakin.
mataba pa ako non ang cute pa hehehe.

Noong Unang kaarawan ko
nung nag isang taon na ako dami ko handa shempre isang taon eh.
may mga palaro may cake pa ganda ngstyle ng cake merong kastilyo
ang dami nag punta ang dami din mag iinom inabot na ng maga mga nag iinom sinabi lang sakin ng nanay ko yan kaya alam ko mga na yare.
ang dami nag bigay ng regalo sakin ang dami din lobo ibat ibang kulay.

dalwang taon na ako inaagawan ako ng lobo iyak tuloy ako pero kahit naiyak cute padin ako.
lagi ako kasama ng pinsan ko siya lagi kalaru ko araw-araw niya ako pinupuntahan para mag laro shempre bilis ako mapatawa bata pa kasi eh kunting patawa lang ng pinsan ko hagalpak na kagad ako ng tawa.

tatlong taon ako lagi kami na punta sa bahay ng lala ko lagi niya ako inaalagaan hindi ako nauubusan ng pag kain.
Mga larawan ko noong bata pa ako
ako unang apo ng lola ko kaya paborito niya ako lahat ng gusto ko binibigay niya.

kinder ako san pablo central school ako pumasok limang taon palang ako non hindi pa marunong mag sulat mag basa pero habang natagal natututo na.
mahirap mag aral lalu nat tamad sasayaw kami non may dala pa ko pompom ang baho ko tuloy

pitung taon dami ulet handa patay baboy ulet may n lobo na kulay blue mat mga palaro .
ang dami nag bigay sakin ng regalo mahal ang nagastos sa kaarawan ko pero sulit naman.
ang saya ng mga tao may mga nag iinom mmga kamag anak  ko mga katarabaho ni papa mga kapit bahay.

nag swimming kami sa batangas sa lemiri ang saya.kasama mga kamag anak kanya kanyang kwentuhan.
nakita ko non si papa,lolo,tiyo nag huhukay yun pala ilulubog nila ako nakalabas lang ay ulo at muka hindi ako makagalaw hirap huminga ang dami ko pa dumi sa muka tawa mga kamag anak ko nung nakita nila ako.

gada pasko ang saya talaga mag mamano sa nining at ninong lolat lolo shempre mamamasko nadin dami nag bibigay ng pera ang saya pag kasama mga pinsan ko laging kulitan tawanan kwentuhan a asaran pag mag kakasama kami hindi ako nakakaramdam ng inep may  tampohan  pero nawawaladin naman kagad ganon talaga pag makukulit.
pinaka mnaman eh mahal namin ang isat isa.

bagong taon kahit nakaka puyat sa pag hihintay ng 12am para makita lang mga paputok sulit namankahit puyat dami pag kain sa mesa may mga prutas pa pinaka masaya mag kakasama kaming mag anak sabay-sabay nag hahapunan may mga kwentuhan.

unang baitang ako panibagong mga kakilala mga barkada dami pinapasulat ng guro tamad panaman ako nag sulat kaya pag nag papasulat ang guro hindi ako nag susulatlagi din ako napapagalitan si mama lagi pinag susulat ko.
Ilan sa mga kabarkada ko ngayong hayskul

ikalawang baitang lagi ako napapagalitan lagi napapa away tamad pa mag aral pero maalam na ko mag basa non magaling nadin ako mag sulat si mama panon nag papakain sakin gada tang hali eh pinupuntahan pa ako ni mama pihikan panaman ako lagi tuloy gutom hehehe

Picture ko na naggigitara
ikalimang baitang nag umpisa na ko mag kameron ng crush lagi ako nasulat sa crush ko ng lilibre pa k papasin ako non para lagi ko makausap crush ko nag aral nadin ako mag gitara napakahirap mag aral ng gitara sakit sa kamay kaliwete pako kaya lalung mahirap pero kahit mahirap  nag aral padin ako laging ng hihiram ng gitara matuto lang talagang napaka hirap pero pag maalam na gandang libangan nag gigitara habang nakanta.

ikaanim na baitang panibagong kakilala bagong guro bagong pag aaralan kan kanyang barkadahan sa una kasi hindi panaman mag kakakilala lahat kanya kanyang paraan para makilala.
ako kung sino lang kilala ko ayon lang sinasamahan ko sa sobrang kulet ko lagi ako nakukurot ng mga babae.
hihig panamain ay mag takbohan pag minsan nadadapa kaya ang dami sugat ayos lang masaya naman.

unang taon ko sa high school ang saya mag kaklase kami ng pinsan ko nag aral din kami mag computer game sa una ayos ang saya hanggat maka adik apat na buwan ako pumasok tapos non tinamad nako pumasok nag computer nalang ako pag maga napunta muna ako sa lake pag tanghali naman computershop naman ako napunta.
nag pakasarap ako non tapos nalaman ng nanay ko napagalitan ako hindi nadin ako pinayagan lumabas ng bahay pinag bawalan na ko.

 pumasok ulit ako sinabi ko sa sarili ko mag aayos na ko ng pag aaral araw-araw na ko napasok may mga nag bago hindi na ko nag computer kaso natuto naman ako man ligaw  kaya lalu ako sinipag pumasok may nililigawan kasi kasipag pumasok araw-araw nakikita ang crush lagi kami na punta sa ultimart ng nga kaklase ko nag kakanta kami.

ikalawang baitang sa high school panibagong kaklase na naman kaklase kona sinda tan lalu ng sumaya sa klase laging pasyal sa bayan tamang tingin nalang ng paninda wala kasi pera.

ikatlong baitang sa high school halos walang nag bago sa mga kaklase ko lahat lahat mag kakakilala na meron ilang nadagdag na kaklase natanbay kami sa bahay ng kaklase namin tinapay lang tanghalian namin kaya hindi nataba nag swimming kami mga mag babarkada kanya kanyang dala ng pag kain tamang kulitan lang nag tutulakan kanya kanyang pagandahan ng talon sa tubig.
3rd year ko din nakilala ang babae na nag patino sakin minahal ko talaga sya nan liligaw palang ako ginagawa ko na lahat ng magagawa ko mahalin lang din ako napasagot ko naman sya dalwang linggo ako nan ligaw sakanya.

Lumaban ako ng Lakan at Mutya
napalaban ako ng lakan at mutya dito sa concepcion napaka hirap mag praktise nakakapuyat nakakapagod isang pag kakamali lang kung anu-ano na sinasabi kaya pinilit ko talagang hindi mag ka mali para hindi mapagalitan december 7 puspusan ng pag hahanda kinabukasan na kasi ang laban ng lakan at mutya december 8 kanya kanyang pahinga muna fiesta non 7pm mag uumpisa ang lakn at mutya 11pm natapos ang lakan at mutya pagud na pagod ako.

ikaapat na baitang sa high school halus walang nabago sa mga kaklase ko kasama ko padin mga barkada ko  sama sama padin kami sa kalokohan may mga nadagdag na subject computer at c.a.t gada friday lang ang c.a. ang computer naman ay gada martes kahit mahirap ginagawa ko pa din.
nakilala ko ang mga 4science na kilala ko din ang bestfriend ko.
field demo ang init mag praktise katamad talaga pag ganon pero kahit tinatamad praktise parin ako para makapasa.
pinasali kami ni sir victorio sa pag sayaw sa sm city san pablo ang saya nakasali kami dalawampung tao ang kinuha sa 4-justice kasam ako sa kinuha pati mga barkada ko.
december 16 2011 nag swimming kami mga mag kakaklase naiwan panamin ang ulam ang dami panaman kanin hindi naubos nasayang lang.
nag karon kami ng sayaw sa mapeh napaka hirap ng praktise inaabot kami ng 11pm sa pag papraktise kahit papaano nag ka ayos naman ang pag sayaw.

february 11 js namin ang saya sayawan ng sayawan kulitan pati sinda mam na kikipag kulitan na nag picture picture pa kami non.nakakapuyat pero masaya naman sulit ang 300 na binayad sa js.
salamat sa mga nag basa!!!

Sabado, Pebrero 19, 2011

Ang Talambuhay ni Kenneth C Anlacan

Noong ako ay baby pa
          Ako si Kenneth C. Analacan naktira sa Brgy. Sta. Elena San Pablo City. ako ay pinanganak noong may 30 1993. Ako ay lumaki sa piling ng aking lolo at lola dahil nung bata palang ako ay mahilig na ako pumunta sa bahay ng aking lolo at lola. Pero dun po ako natulog samen nung minsan nakatulog ako sa bahay ng aking lolo at lola at katabi ko pa sila sa kwarto. kinabukasan nagpunta ako samen nakita ko ang kapatid ko na naglalaro ay bigla ko siyang ginulo at nagalit sakin. ang ginawa ng kapatid ko sakin ay kinagat niya ang aking daliri at natanggal ang kuko ko.
           Ang ginawa ng aking nanay ay kumuha agad na betadine at ako ay iyak ng iyak at namaga ang daliri ko kinabukasan. minsan pumunta ako sa bahay ng aking lolo at lola may nakita akong kape sa lamesa at ininum ko ito at bigla akong nasuka dahil pinagpritusan pala yun ng isda at tawang tawa sa akin ang aking lola.

Noong ako ay apat na taong gulang pa lamang
          Minsan nautusan ako ng akin lolo na maghilot ako sa kanya dahil paga ang kanyang paa gawa ng rayuma. simula noon lagi na akong pinaghihilot ng aking lolo at doon na rin ako lagi natulog at pag umaga naman ay nauwi ako samin dahil maliligo ako at babamalik na ulit ako kina lolo at lola. ang lolo ko ay masarap ding magluto dahil sa tuwing may okasyon ay siya ang nagluluto at ang sarap ng mga luto.


          Minsan tinanong ko ang nanay ko kung bakit ako ay may balat sa tiyan at kiniwento ng aking nanay. noong ako ay pinagbubuntis pa lang ni inay ay inalok daw siya ng aking lolo ng ubas at tinanggihan niya ito kaya siguro ako ay nagkaroon ng balat.Minsan yung bahay namen ay nagkaroon ng maraming tilas dahil katabi ng bahay namin ang puno ng chiko at ang ginawa ng aking nanay ay bumili siya ng pambomba sa tilas at namatay ang mga tilas.

Noong ako ay pumasok ng grade 1 ang una kong naging guro ay si mrs. avanzado at magaling siyang magturo at mabait pa kaso lagi akong napapagalitan dahil sa kakulitan ko.

Ang aking mga pinsan at ang tito ko
          Noong  grade 2 naman ako ay makulit pa rin at tanda ko nung sako ay kinagat ng aso dahil sinipa ko  nung ako ay nakain kasi lapit ng lapit sakin,, noong ako ay grade 3 ako ay naging mas makulit ako..noong grade 4 naman ako ay nahulog ako dahil sa kulitan ko at kapabayaan ko sa pagaaral. pinagsisihan ko yon simula noon nagbait na ko at nagkaron din ako ng mababait na kaibigan hanggang sa ngayon at masasabi kong tunay na kaibigan sila ng ako ay makagraduate ay napakasaya ng aking nanay at tatay pati na rin lolo ko at lola.
           Nang mag asawa ang tita ko at nakapagpatayo na ng bahay ay lumipat na din sina lolo at lola kasama rin ako dahil walang maghihilot sa lolo ko. minsan nga naghihilot ako sa lolo ko ay nagkagalit kami at hindi ako natulog sa bahay doon ako natulog sa bahay namin. makalipas ang ilang gabi sabi sakin ng lola ko ay doon na daw ulit ako matulog dahil miss na daw ako ni lolo at miss ko na rin siya at nagkaayos na ulit kami ng lolo ko.
         Ang  lolo ko nga pala ay mahilig mag alaga ng manok at minsan natuka siya ng manok ang ginawa sa manok ng lolo ko ay binalibag at yon naging pangulam ang manok,,

Ang aking larawan
         Misan tinuruan ako ng lolo ko na magpatuka ng manok at natuto akong magpatuka nung ako naman ay nag highschool ay kinuha ko na ang damit ko kay inay at dinala ko na sa tita ko para hindi na ko mahirapan sa pabalik balik dahil pag umaga ay nauwi pa ako samin dahil papasok at pagawas naman ay balik nanaman kay tita dahil maghihilot nanaman kay lolo.

            Ang lolo ko din naman ay namamakyaw ng mga lanzones at rambutan pagkatapos namin makuha lahat ng lansones at rambutan ay nagpapasuwimming si lolo sa magtatrabaho niya.
            Noong ako'y tumira sa tita ko lagi akong napapagalitan kasi minsan hindi ko sinusunod ang utos nila at minsan nga nagbasketball ako umuwe ako ay gabi na at yon napagalitan ako.

            Noong una kong pasok sa high school ay napakasaya ko !!!! at matuyag naman akong pumasok ng buong taon nung ako naman ay nag second year ay natuto akong magcounter at yon na adick ako sa paglalaro,, naglaro din ako ng ran online at dun ako hustong na adick.

Ako at ang aking dalawang kapatid
            Minsan nga hindi na ako nakakapasok dahil lang doon tapos nagkasakit ang lolo ko at dinala sa maynila ,, pinasasama ako doon ni lolo para maghilot sa kanya.

             Dahil doon nakakaliban ako sa klase dahil lang kay lolo ngunit hindi nagtagal pumanaw din ang lolo ko.Umiyak ako ng sobra dahil mahal ko sya ... kasabay nito nahulog naman ako ng second year ... at galit na galit ang ama't ina ko.

             Noong muling nagpasukan ako ay nagtuyag na at nagkaron ng mabubuting kaibigan. Naging  masaya ako dahil nakapasa ako nang ako ay nagthird year ay naging masaya din ako ng kami nga nagjs ay naisayaw ko yong gusto ko.

             Ngayon ako ay 4th year na ay masaya ay din ako dahil nakasama ako sa filtrip at kasama ang aking mga kaklase. nagputa kami sa mall of asia at kami ay namasyal at nagkayayaang bumili ng tokoyaki bumili ako ng tatlong piraso at tinikman ko kung masarap ngunit hindi ako nasarapan at binigay ko ito sa kaklase ko.  

Noong kami ay nagjs ay naging masaya ako dahil naisayaw ko yong nagugustuhan ko.