Noong ako ay baby pa |
Ang ginawa ng aking nanay ay kumuha agad na betadine at ako ay iyak ng iyak at namaga ang daliri ko kinabukasan. minsan pumunta ako sa bahay ng aking lolo at lola may nakita akong kape sa lamesa at ininum ko ito at bigla akong nasuka dahil pinagpritusan pala yun ng isda at tawang tawa sa akin ang aking lola.
Noong ako ay apat na taong gulang pa lamang |
Minsan tinanong ko ang nanay ko kung bakit ako ay may balat sa tiyan at kiniwento ng aking nanay. noong ako ay pinagbubuntis pa lang ni inay ay inalok daw siya ng aking lolo ng ubas at tinanggihan niya ito kaya siguro ako ay nagkaroon ng balat.Minsan yung bahay namen ay nagkaroon ng maraming tilas dahil katabi ng bahay namin ang puno ng chiko at ang ginawa ng aking nanay ay bumili siya ng pambomba sa tilas at namatay ang mga tilas.
Noong ako ay pumasok ng grade 1 ang una kong naging guro ay si mrs. avanzado at magaling siyang magturo at mabait pa kaso lagi akong napapagalitan dahil sa kakulitan ko.
![]() |
Ang aking mga pinsan at ang tito ko |
Nang mag asawa ang tita ko at nakapagpatayo na ng bahay ay lumipat na din sina lolo at lola kasama rin ako dahil walang maghihilot sa lolo ko. minsan nga naghihilot ako sa lolo ko ay nagkagalit kami at hindi ako natulog sa bahay doon ako natulog sa bahay namin. makalipas ang ilang gabi sabi sakin ng lola ko ay doon na daw ulit ako matulog dahil miss na daw ako ni lolo at miss ko na rin siya at nagkaayos na ulit kami ng lolo ko.
Ang lolo ko nga pala ay mahilig mag alaga ng manok at minsan natuka siya ng manok ang ginawa sa manok ng lolo ko ay binalibag at yon naging pangulam ang manok,,
![]() |
Ang aking larawan |
Ang lolo ko din naman ay namamakyaw ng mga lanzones at rambutan pagkatapos namin makuha lahat ng lansones at rambutan ay nagpapasuwimming si lolo sa magtatrabaho niya.
Noong ako'y tumira sa tita ko lagi akong napapagalitan kasi minsan hindi ko sinusunod ang utos nila at minsan nga nagbasketball ako umuwe ako ay gabi na at yon napagalitan ako.
Noong una kong pasok sa high school ay napakasaya ko !!!! at matuyag naman akong pumasok ng buong taon nung ako naman ay nag second year ay natuto akong magcounter at yon na adick ako sa paglalaro,, naglaro din ako ng ran online at dun ako hustong na adick.
![]() |
Ako at ang aking dalawang kapatid |
Dahil doon nakakaliban ako sa klase dahil lang kay lolo ngunit hindi nagtagal pumanaw din ang lolo ko.Umiyak ako ng sobra dahil mahal ko sya ... kasabay nito nahulog naman ako ng second year ... at galit na galit ang ama't ina ko.
Noong muling nagpasukan ako ay nagtuyag na at nagkaron ng mabubuting kaibigan. Naging masaya ako dahil nakapasa ako nang ako ay nagthird year ay naging masaya din ako ng kami nga nagjs ay naisayaw ko yong gusto ko.
Ngayon ako ay 4th year na ay masaya ay din ako dahil nakasama ako sa filtrip at kasama ang aking mga kaklase. nagputa kami sa mall of asia at kami ay namasyal at nagkayayaang bumili ng tokoyaki bumili ako ng tatlong piraso at tinikman ko kung masarap ngunit hindi ako nasarapan at binigay ko ito sa kaklase ko.
Noong kami ay nagjs ay naging masaya ako dahil naisayaw ko yong nagugustuhan ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento